Ang mga botante ng California ay magpapasya hinggil sa 14 na panukala sa balota:
Bumoto bilang isang LAKAS hanggang Martes, ika-3 ng Nobyembre
Ang iyong boto ay makapangyarihan! Kapag tayo ay bumoto ng sama-sama bilang isang LAKAS, ang mga komunidad ng Asyanong Amerikano at Pacific Islander ay maaaring magkamit ng abot-kayang pamamahay, pangangalagang pangkalusugan, tamang pasuweldo at kalidad na mga paaralan.
Ang karapat-dapat sa atin ay isang pamahalaan na inuuna ang mga uring manggagawa sa mga komunidad na hindi lamang puti higit sa mga bilyonaryo at korporasyon.
OO sa Prop 1: Veterans and Affordable Housing Bond Act of 2026 / Funds Housing
Paglalabas ng $11.25 billion halaga ng bonds na magpopondo ng konstruksyon para sa pabahay, magpapanatili ng abot-kayang pabahay, at magpapalawak ng pagkakataon na mag may-ari ng bahay.
Ang mga bonds na ito ay pahihitulutan ang CA na humiram ng pera mula sa mga namumuhunan na magagamit na pambayad sa mga kritikal na pamumuhuanan sa komunidad.
Position Endorsed By: APEN Action, CA AF, CPA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: Coalition of organizations representing housing, business, labor, local government, among others
Mga oposisyon: Republican Asm. David Tangipa and Reform CA
OO sa Prop 3: Permanent Funding for Schools and Healthcare by Extending Existing Tax on High Incomes / Maintains School Funding
Gagawing permanente ang mga umiiral na buwis para sa pinakamataas na 2% ng mga taga California upang pondohan ang mga pampublikong paaralan at pangangalagang pangkalusugan.
Kapag napaso ang kasalukuyang buwis sa 2031, ang mga kumikita ng $743,000 pataas ay tatanggap ng malalaking bawas sa buwis, habang ang mga paaralan ay mawawalan ng $2 hanggang $6 na bilyon ng pondo kada taon.
Position Endorsed By: APEN Action, CA AF, CPA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: CA Teachers Association, CA School Employees Association, CA Federation of Teachers, among others
Mga oposisyon: Reform CA
YES on Prop 5: Eliminate Successor Elections / Changes the Recall Process
Ang paggamit ng recall election ay dapat na sumagot sa isang tanong: ang opisyal ng estado na ito ay dapat bang matanggal sa puwesto o hindi?
Kapag ang pinakamaraming sagot ng mga botante ay OO, ang puwesto ay dapat na mapunuan sa pamamagitan ng line of succession, paghihirang (appointment), o isang espesyal na halalan. Sa kasalukuyan, ang mga botante ay kailangan munang magpasya sa pa- nangangahulugtatanggal saka pa lamang pipili ng kapalit - at kung sino man ang makakuha ng pinakamaraming boto ang mananalo, kahit na mas mababa sa 50% ang kanyang natanggap na boto.
Position Endorsed By: APEN Action, CA AF, CPA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: CA Common Cause, League of Women Voters
Mga oposisyon: Reform CA, Election Integrity Project
OO sa Prop 38: Establish Immunology and Immunotherapy Research Institute Initiative / Funds Medical Research
Maglalabas ng $8.4 billion na bond para sa pananaliksik ng immunology at immunotherapy.
Ang halagang ito ay magtatag ng isang UC-affiliated research institute at magpopondo ng mga grant sa mga unibersidad at nonprofit na nag-aaral ng cancer, Alzheimer’s at sakit sa puso. Ano mang mga paggamot na magmumula dito ay kinakailangang ialok sa California sa halagang 20% mas mababa sa karaniwang pambansang halaga.
Position Endorsed By: CPA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: Alzheimer’s Assn., National Multiple Sclerosis Society and other healthcare groups
Mga oposisyon: Dr. Robert Kaplan, Stanford School of Medicine
NEUTRAL sa Prop 40: Billionaire Tax / Tax the 200 or so Billionaires living in California
Pagtatatag ng minsanang 5% na buwis sa kayamanan nang halos 250 bilyonaryo sa California, na makakapag-ipon ng $100 bilyon sa loob ng limang taon, at humigit kumulang na 90% nito ay itutuon sa pangangalagang pangkalusugan.
Ang matitira ay magpopondo ng edukasyon at tulongsa pagkain upang masagutan ang mga epekto ng federal cuts.
Position Endorsed By: CA AF, FAJ AF, PPAF
Mga tagapagtaguyod: SEIU United Healthcare Workers West, Teamsters CA, AFSCME CA, Sen. Bernie Sanders, CA Democratic Party, and more
Mga oposisyon: Several billionaires including Google co-founder Sergey Brin; California Business Roundtable; CA Teachers Association; Gov. Gavin Newsom, and more
HINDI sa Prop 42: Prohibit Taxes on Retirement Holdings and Personal Savings / Bans Wealth Taxes and Blocks Billionaire Tax
Pangalawa sa tinatawag na panukalang “poison pill” na magkakansela sa billionaire tax (Prop 40).
Ang Prop 42 ay hahadlang sa ano mang bagong buwis sa pangsariling pag-aari, pag-aaring intelektuwal, retirement accounts, o mga katulad na pag-aari. Lilimitahan nito ang mga mambabatas or panukala sa balota mula sa retroactive na pagpapataw ng buwis, isang pangunahing katangian ng mungkahing billionaires tax.
Position Endorsed By: APEN Action, CA AF, CPA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: Several billionaires: Sergey Brin, Patrick Collison, Max Levchin, among others; Reform CA, among others
Mga oposisyon: CA Democratic Party, SEIU UHW West
OO sa Prop 2: Save for California’s Future Act / Expands Rainy Day Fund
Itataas ang limit ng kung hanggang magkano ang maaaring i-deposito sa “rainy day” fund ng Estado.
Position Endorsed By: CPA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: Gov. Gavin Newsom, Democratic state lawmakers
Mga oposisyon: Republican Asm. Joe Patterson and Reform CA
YES on Prop 4: Public Financing of Campaigns / Allows Public Funding for Election Campaigns
Papayagan ang mga state at lokal na pamahalaan na mag-alok ng pondo para sa pampublikong kampanya, na kasalukuyang nangyayari na sa ilang lungsod ng California.
Layon nito na pantayin ang laban at limitahan ang paggastos sa pulitika. ang panukala na ito ay nagtatakda na ang mga kandidato na tumatanggap ng pondo ay sumunod sa takdang limitasyon sa gastos at magpakita ng tunay na suporta mula sa publiko, tulad mga maliliit na donasyon.
Position Endorsed By: APEN Action, CA AF, CPA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: ACLU CA, CA Common Cause, CA Democratic Party, CA Working Families Party, among others
Mga oposisyon: Reform California, CA Taxpayers Association
OO sa Prop 37: Programa ng pautang para sa pagmamay-ari ng bahay / $$$ to help people buy homes
Nagtatatag ng isang programa ng estado na layong tumutong sa mga middle-class na Californians upang sila ay makabili ng mga bagong tayo na bahay.
Kung ang iyong kita ay mababa sa 200% ng median income sa iyong lugar, maaari kang humiram ng hanggang 17% ng halaga ng iyong bahay bilang pangalawang mortgage - nangangahulugan na kakailanganin mo lamang ng 3% na paunang-bayad sa halip nang karaniwang 20%.
Position Endorsed By: CA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: United Brotherhood of Carpenters and Joiners of America, Northern California Carpenters Regional Council, Western States Regional Council of Carpenters, CA Association of Realtors, and more
Mga oposisyon: Reform CA
HINDI sa Prop 39: Voter ID / Makes it Harder for All Citizens to Vote
Pagbabawal sa mga mamamayan na makaboto kung hindi sila makakapagpakita ng isang ID na mula sa pamahalaan o isulat nila ang 4 na huling numero ng kanilang ID sa kanilang mail ballot na sobre.
Sa ngayon, ang botante ay nagbeberipika lamang ng kanilang identity kapag sila ay nag-rehistro para bumoto (nanunumpa sa ilalim ng parusa ng perjury na sila ay citizen ng US), at di na nangangailangan ng ID sa mismong araw ng pagboto.
Position Endorsed By: APEN Action, CA AF, CPA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: Reform CA, Republican Asm. Carl DeMaio, Republican Congressman Ken Calvert
Mga oposisyon: ACLU of Northern and Southern California, Asian Law Caucus, CA Common Cause, League of Women Voters, and more
HINDI sa Prop 41: Prohibit Excluding New State Taxes from Spending Limit and Require Special Tax Audits / Blocks Billionaire Tax
Una sa dalawang tinatawag na panukalang “poison pill” na naglalayon na hadlangan ang mungkahing billionaires tax (Prop 40).
Kapag ang Prop 41 ay tumanggap ng higit na boto laban sa Prop 40, ang dagdag buwis ay makakansela. Mahihinto ang ano mang bagong buwis tulad ng billionaire tax mula sa saklaw ng state spending limit at mangangailangan ng pagsusuri ng ano mang bagong programa na popondohan na state.
Position Endorsed By: APEN Action, CA AF, CPA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: Several billionaires: Sergey Brin, Patrick Collison, Max Levchin, and more; Reform CA
Mga oposisyon: CA Democratic Party, SEIU UHW West
HINDI sa Prop 43: Two-Thirds Vote Requirement for Special Taxes (Tax Deception Act 2.0) / Makes it Harder for Voters to Fund Local Services where they live and Cities to tax sold property
Gagawin nitong higit na mahirap mag-ipon ng pondo para sa mga lokal na serbisong pampubliko sapagka’t kakailanganin ng two-thirds (⅔) na pag-apruba ng mga botante para sa mga bagong espesyal na buwis, kasama ang mga mungkahi mula sa citizens initiatives (na kasalukuyang nangangailangan lamang ng simple majority).
Ang pag-aapruba ng panukala ay makababawas sa posibilidad na ang mga lokal na pamahalaan ay makatutugon sa pangangailangan ng kanilang mga resident at magbibigay ng kapangyarihan sa isang maliit na grupo ng botante.
Position Endorsed By: APEN Action, CA AF, CPA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: Howard Jarvis Taxpayers Association, Reform CA
Mga oposisyon: CA Democratic Party, Evolve CA, Democratic Asm. Buffy Wicks
HINDI sa Prop 45: CEQA Gutting / Tears down Environmental Laws to Promote Construction Projects, like Freeways and Data Centers
Malawakang pagsasaayos ng pangunahing batas pangkapaligiran, ang California Environmental Quality Act (CEQA), sa pamamagitan ng matalas na paglilimita sa repasong pangkapaligiran (environmental review) at mungkahing pampubliko.
Ang CEQA ay ginagamit upang hadlangan ang mga proyektong konstruksyon, kabilang mga mga data center at kulungan para sa mga may kaso ng imigrasyon.
Position Endorsed By: APEN Action, CA AF, CPA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: CA Chamber of Commerce, CA Business Roundtable, Reform CA, CA Building Industry Assn, CA Hospital Assn, among others
Mga oposisyon: Sierra Club CA, Asian Pacific Environmental Network Action; CA American Nurses Association, CA Building Trades Council, among others
HINDI sa Prop 44: Restricts Non-Profit Health Clinics’ Spending
Pipilitin ang mga community health clinics na gastusin ang di bababa sa 90% ng kanilang kita sa direktang pangangalaga ng pasyente, at magpapataw ng malalaking multa sa mga klinikang hindi susunod.
Ayon sa oposisyon, bilyon ang mawawala sa mga klinika, itutulak sila na tumakbo ng palugi, magbawas sa serbisyo ng pagsasalin ng lenguahe, at magdudulot ng malawakang pagsasara - higit lalo sa mga rural at lugar na may kakulangan sa serbisyo.
Position Endorsed By: APEN Action, CA AF, CPA AF, FAJ AF, HIP AF, PPAF, PAC
Mga tagapagtaguyod: SEIU United Healthcare Workers West
Mga oposisyon: California Primary Care Assn.; California Medical Assn.; Asian Health Services, among others